Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 49



Kabanata 49

Nawalan ng sigla ang mga mata ni Madeline. Malinaw niyang nakikita ang singsing na suot ni Meredith

at iyon pa nga ang singsing na kanyang dinesenyo!

"Madeline, talented ka. Ang ganda tignan ng singsing. I like it, pero ang pinakamahalaga, si Jeremy

ang nagsuot sa'kin nito."

Pinagmamayabang niya ang kanyang singsing, malinaw ito sa kanyang mga mata.

Tinupi ni Madeline ang kanyang mga daliri at mahigpit na hinawakan ang phone na kanina pa nagre-

record ng video. Ngumiti siya habang nagngitngit ang kanyang ngipin.

"Meredith, inaamin mo ba ngayon na friname-up mo lang ako for plagiarism kahit na malinaw na ako

talaga ang tunay na creator?"

Suminghal si Meredith. "Eh ano ngayon? Sinong maniniwala sa'yo? Sino ka ba para kalabanin ako?"

"Tama na 'yan." Ngumiti si Madeline at tumalikod pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nang makita ni Meredith si Madeline na may kakaibang kinikilos, pakiramdam niya ay parang may

mali. Nang mapagtanto na niya kung anong mali, nakasakay na sa kotse si Madeline.

Pagkatapos ng ilang sandali, isang video ang nag-viral sa internet.

Sa loob ng video, malinaw na nakikita ang mukha ni Meredith at ang bawat salita niya ay totoo at

sigurado.

Nakita ni Madeline na nagulat ang mga netizen dito. Pagkatapos, ilan sa kanila ang nagalit sa kawalan

ng hustisya na kanyang naranasan.

Sa umpisa pa lamang ay mali ang pagpaparatang sa kanya.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagsimulang magwala ang mga komento sa ibaba.

Lahat sila ay nagsasabi na napilitan lang si Meredith na gawin iyon. Sabi nila ay si Madeline ang

dahilan kung bakit siya nakunan at kaya niya iyon ginawa. Kaya ito raw ay maiintindihan at

mapapatawad.

Kung ikukumpara sa pagkamatay ng anak ni Meredith, ano naman ang maling paratang ng plagiarism

kay Madeline?

Maipagkukumpara ba ito?

Pumikit si Madeline. Hindi lang reputasyon ang nawala sa kanya, nawala rin sa kanya ang kanyang

pinakamamahal na anak. From NôvelDrama.Org.

Ngunit, sinong mag pakialam doon?

Umuwi si Madeline, at nang nasa baba pa lamang siya ay nakakita siya ng isang mamahaling kotse na

nakaparada sa entrance.

Lumapit siya at bumukas ang pinto ng kotse.

Lumabas si Jeremy mula sa kotse. Ang kanyang matangkad at matikas na katawan ay nababalot ng

malamig na kakisigan.

Sa kanyang kakisigan pa lamang ay napahinto na si Madeline.

Natatakot siya at gusto niya siyang iwasan. Subalit pinigilan siya nito, at mayroong malamig na kislap

sa kanyang malalim at nakakahalinang mga mata.

"Eh ano ngayon kung may binayaran si Mer para akusahan ka ng plagiarism? Reputasyon lang ang

nawala sa'yo, pero paano naman si Mer? Pinatay mo ang anak niya! Anong binabalak mong gawin sa

paglagay ng video na yun sa internet? Hindi pa ba sapat ang sakit na binibigay mo kay Mer?"

'Reputasyon lang ang nawala sa'yo.'

Simple niyang binitawan ang mga salitang iyon.

Subalit, ang bawat isa sa kanyang mga salita ay puno ng pagtatanggol para kay Meredith.

Gustong humalakhak ni Madeline at bahagya nang basa ang kanyang mga mata. Tinignan niya ito.

"Tama, hindi pa 'to sapat."

Hinigpitan niya ang kanyang kamao at sinabi ang limang salitang iyon sa pagitan ng kanyang mga

ngipin.

"Gagawin kong impyerno ang buhay ng p*ta na 'yon kahit na makulong pa ako ulit ng ilang taon!"

Hindi umatras si Madeline at tinaas ang kanyang mukha. Tinignan niya si Jeremy nang may

mapupulang mga mata at hindi nagpakita ng kahit na anong kahinaan.

Gusto niyang umalis pagkatapos niya iyong sabihin, pero hinablot ni Jeremy ang kanyang pulso at

hinigpitan ang hawak sa kanya.

Nakita niya ang pagbabago sa kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang mga segundo, nagsalita siya,

"Madeline, 'wag mong subukan ang pasensya ko. Kung hindi, sisiguraduhin kong habangbuhay kang

mabubulok sa kulungan."

Nanginig ang puso ni Madeline. Nagsisinungaling siya kung sabihin niya na hindi siya natatakot.

Ngunit, hindi niya hahayaan na maging mahina sa harapan ng lalaking ito. Pinilit niyang ngumiti sa

gitna ng nakakadurog-butong sakit na sumisiksik sa kanyang buong katawan. Nagpanggap siyang

walang pakialam at ngumisi. "Kung sasaya ka, pwede kang mag-hire ng taong papatay sa'kin ngayon,

Mr. Whitman. Hindi na rin naman ako tatagal. Kung umabot sa sukdulan, hihilahin ko na lang ang

p*tang iyon kasama ko bago ako mamatay."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.