Chapter 53
Chapter 53
Anikka
Kanina pa ako paikot-ikot na naglalakad dito, kanina pa ako hindi mapakali. Siguro kung may kasama
lang ako dito ay kanina pa na hilong-hilo sa akin.
Bakit ba kasi ang tagal tagal na umuwi ni Lukas, nasaan na kaya yun? Tinatawagan ko siya kanina
pero nakapatay ang phone niya, ok sana kung natatawagan siya, pero hindi e.
Kinakabahan ako, baka mamaya kasama na niya si Eris at may pinaplano na siyang masama sa
mahal ko. Hindi ako makakampante hanggat hindi ko siya nakikita.
Natatakot ako sa mga maaring mangyari. Ayokong mawala pa siya sa akin, ngayon mahal na mahal ko
siya. Siya ang tanging lalaki na nakikita ko na mamahalin ko.
Aish! Anikka relax..dont be such a paranoid. Hindi mangyayari ang iniisip mo, ikaw ang mahal niya at
hindi siya. She's just Eris Magdayo, mas may laban ka sa kanya. She's just his past na nakalimutan na
niya. Ang nakaraan ay hindi na maaring magbalik Anikka!
Pangaral ko iyon sa sarili, pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot, ibang Eris ang kaharap ko
kanina, hindi na siya tulad ng dati na mahina ang loob, she can do everything. Kitang kita ko sa
mapaghamon niyang titig sa akin kanina.
Anikka please be strong ,huwag kang papadala sa mga sinabi niya kanina.Hindi ka papatalo sa kanya
diba? Maging palaban ka tulad ng dati.
"Oh Baby Anikka, nandito ka na pala, inunahan mo pa ako. Exited ka siguro makita ang guwapo kong
mukha." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na ako papunta sa kanya. Thank goodness!
Nandito na rin siya sa harapan ko, mapapanatag na ang kalooban ko. Labis labis akong kinabahan ng
wala siya, baka mamaya agawin siya bigla ni Eris. Masyado talaga akong natatakot, dahil ayokong
mangyari iyon.
"Hay nako, ikaw talaga ang tagal mong yumakap sa akin. Iisipin ko na tsinatsansingan mo na ako."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, He's really infront of me, nandito pa siya sa akin. Wala akong
pakialam kung anoman ang sabihin niya, pagtripan niya ako. Basta nandito siya ay sapat na.
"Oh, bakit umiyak ang baby ko. Masyado mo ba akong namiss. Dont worry I missed you more." Oo
namiss talaga kita at sobra akong nag-aalala sayo.
"Saka huwag kang umiyak, ayoko na nakikita kitang umiiyak. It breaks my heart whenever I see you
crying." Aniya, sabay pahid ng aking mga luha gamit ang likod ng kanyang palad. Kung alam mo lang
talaga Lukas kung gaano ako katakot ngayon, matakot na mawala siya sa akin. Alam ko na mahal niya
ako pero natatakot pa rin ako sa mga maaring mangyari.
Nginitian ko na lamang si Lukas para ipakita sa kanya na ok ako. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
"Hindi ka mawawala sa akin Lukas ha." I said in a assuring tone, gusto ko mangako siya sa akin na Nôvel/Dr(a)ma.Org - Content owner.
hindi siya mawawala sa akin kahit anong mangyari. Para may panghawakan ako at maging malakas sa
kung anuman na banta ni Eris.
"Nope nandito lang ako, I will never leave you, I promise."
Lukas
"Anikka, ang dami mo na naman na kinain." Kunyaring sita ko sa kanya. Tuwang tuwa ako sa kanya
kapag kumakain siya, para siyang bata. May mga naiiwan pang sauce sa bibig niya. Pagmasdan ko pa
lang siyang kumain ay busog na ko.
"Masarap ka kasi magluto." Agad niyang sagot. Napangiti ako, I'm really glad that she really appreciate
it, actually ngayon lang din ako nagluto uli. Buti naalala ko pa ang mga recipe ni Mama.
"Ano masarap ako? Nah.. I know that baby, kaya nahuhumaling ka masyado sa akin." Then she
blushed, matagal siyang walang imik dahil doon. I really like it when she reacts like that, I really have a
huge effect on her. Ganun talaga kapag masyadong gwapo.
Actually she is really cute when she's blushing, she looked like a doll with a thick blush.
Just kidding.
She's beautiful in my eyes, kahit ano pang anggulo ng mukha niya.
"Ang kapal mo talaga. Tigil tigilan mo ang ang pagpapantasya mo. Abutan mo na lang ako ng kanin."
Gusto kong matawa sa reaksyon niya, lumalaki na naman ang butas nh ilong niya. Dont worry baby
kahit lumaki ng lumaki pa yang butas ng ilong mo maganda ka pa rin sa paningin ko.
"Baby Anikka, baka tumaba ka na niyan ha." Sabi ko habang sinasandukan ko siya ng kanin, naubos
na niya ang laman ng rice cooker. Dati ay hanggang kalahating kaldero lang siya. Hindi ko tuloy
maiwasan na magduda baka may laman yung tiyan ni Anikka, because her normal consumption of
food become doubled.
Ok lang naman sa akin if I got her pregnant, atleast sigurado ako na akin lang siya at wala na siyang
takas sa akin.
"So?" Sabi niya pagkatapos niyang lunukin ang kinakain.
"Siyempre mahal pa rin kita, kahit maging balyena ka pa." bigla ko tuloy naisip si Anikka. I already
imagine how does she look when she's carrying my child.
Napangiti ako sa naisip.
Sa ngayon masaya siya sa piling ko, ayokong maging malungkot o masaktan siya sa piling ko. Ngayon
lang ako nagmahal ng ganito. Alam ko ang nararamdaman ko na ito ay hindi lang basta
pangmatagalan. My love for her is forever and never be destroyed by anyone.
I need to set things right, before it's too late.
Bago pa siya masaktan ng aking nakaraan.