The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 1: Prologue



Chapter 1: Prologue

Nevada, USA

“I, LEVI, choose you, Denise, to be my wife. In front of our friends and family, I promise to love and

cherish you through every obstacle that may come into our path.”

Maggy tried hard to suppress her tears. Isang selebrasyon ang ipinunta niya sa simbahan at

ipinangako niya sa sariling hindi siya iiyak. Pero parang hiniwa ang puso niya nang makita ang

pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi ni Levi habang titig na titig sa ngayon ay asawa na nitong si

Denise. Sa kanya lang dati nakalaan ang ngiting iyon at ang nakikitang kislap sa mga mata nito, para

sa kanya dati iyon.

Talagang hindi siya dapat umiyak. Dahil ginusto niya ang mga nangyari. Hinayaan niyang makawala si

Levi kapalit ng kanyang misyon.

Mariing nakagat ni Maggy ang ibabang labi. Dapat ay nagpapahinga na siya sa isang hotel nang mga

sandaling iyon dahil ilang oras na lang ay nakatakda na ang pagbabalik niya sa Pilipinas. Pero sa halip

ay naroroon siya para saksihan ang pagpapalitan ng mga pangako ng mga ikakasal sa isa’t isa. Gusto

niyang sa huling pagkakataon ay makita ang dating boyfriend at kumbinsihin ang sarili na tama ang

ginawa niyang pagpapalaya rito.

Levi had finally found his match.

At base sa nakikita ni Maggy na pagmamahal na nakarehistro sa mga mata ng bride, alam niyang

tama ang kanyang naging desisyon. Nagmamahalan ang mga ikinakasal. Iyon naman dapat ang

mahalaga. Nang makitang isinusuot na ni Levi ang singsing sa daliri ni Denise ay mabilis at walang

ingay na tumalikod na siya at lumabas ng simbahan. Dumeretso siya sa nakaparadang kotse ng

matalik na kaibigang si Clarice na kasalukuyang nananatili ng ilang araw sa Nevada nang mga

sandaling iyon kasama ang halos tatlong linggo pa lang na asawa nitong si Alano. Nasa business

conference ang huli kaya nasamahan siya ni Clarice nang araw na iyon.

“I can’t believe you actually let someone steal your man,” napapailing na bungad ni Clarice nang

makasakay na si Maggy sa kotseng nirentahan ng kaibigan.

Muling nanikip ang dibdib niya. “Mas marami pang importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin

kaysa sa pag-ibig, Clarice. You damn well know that. Hangga’t hindi natin napababagsak si Benedict

McClennan, hindi ako kahit kailan matatahimik.”

Nang paandarin na ni Clarice ang kotse, sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon ni Maggy ang

simbahan. Mayamaya ay sumandal siya sa kinauupuan at mariing ipinikit ang mga mata. Pumasok sa

isipan niya ang nakitang ngiti sa mga labi ni Levi habang nakatitig sa bride nito. She breathed painfully.

Sa kanyang pag-alis, babaunin niya sa puso ang ngiti nitong iyon.

“Then why on Earth did you have to watch your ex-boyfriend’s wedding?”

“Para matuldukan ko na ang lahat ng namagitan sa amin. I had to pine for the last time.” Mapait na

ngumiti si Maggy. “Perhaps I would have a shot of the strongest liquor once I get back to Manila. Pero

hanggang doon na lang ‘yon dahil misyon muna bago ang lahat. Ikaw…” Dumilat siya at binalingan ang

kaibigan. “Hindi mo pa ba nakukuha ang shares sa kompanya nila? Wala ka pa bang napipirmahang

kahit na anong dokumento? Wala ka pa bang nalalaman tungkol kay Benedict? Kailan ba matatapos

ang kasal-kasalan n’yo ni Alano? Goodness, Clarice,” naipilig niya ang ulo. “Just the thought of you

married to the man makes me want to puke.”

Nag-iwas ng mga mata si Clarice at itinuon na lang ang buong atensiyon sa pagmamaneho.

Kumunot ang noo ni Maggy nang mapansing biglang natensiyon ang kaibigan. “May problema ba?”

“W-wala naman. Hindi ko pa nakikita si Benedict. At wala pa rin akong napipirmahang kahit na anong

dokumento. Pero bigyan n’yo pa ako ng oras at sinisiguro kong makakakuha na rin ako ng

impormasyon.”

“Good. But better hurry, all right? Para makawala ka na kay Alano.” Mayamaya ay marahas na

bumuntong-hininga si Maggy. Hindi na sana sila makokompromiso pa sa mga anak ni Benedict kung

hindi lang sumablay ang karma sa gawain nito. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay tumindi ang

galit sa puso niya.

Gagawin niya ang lahat makaganti lang sa taong nagpapatay sa mga magulang nila ng kakambal.

Hindi siya titigil hangga’t hindi nasisingil si Benedict. Sisiguruhin niyang magbabayad ito nang malaki

sa kasalanan sa kanya.

Kaya Austin, humanda ka. Your father took me to hell over and over again for the past years. And I

swear, I’d take you there as well.

Naikuyom ni Maggy ang mga kamay. Hindi na sana aabot pa sa ganito ang lahat kung ginawa lang ng

karma nang maayos ang trabaho nito.

You are one lucky bastard, Benedict. Karma seems to be on a sick leave for the past years. Pero `wag Còntens bel0ngs to Nô(v)elDr/a/ma.Org

kang mag-alala. Dahil sa pagbabalik ko, sisiguruhin kong ako ang magiging karma mo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.