Thirty Last Days

Chapter 8



Chapter 8

NAPILITANG magpreno si Cassandra nang biglang harangin ng kotse ng kanyang kuya ang

sasakyang gamit niya, pagkalabas pa lang niyon sa gate ng bahay nito. Naiinip na napasulyap siya sa Nôvel(D)rama.Org's content.

kanyang wristwatch. Alas-otso na ng umaga. Dapat sa mga ganoong oras ay nasa bahay na siya ni

Jethro at nakapagluto na. Linggo pa naman ng araw na iyon, siguradong mapipilitan ang binata na sa

bahay nito mag-almusal.

Nahuli kasi siya ng gising dahil inabot na siya ng madaling-araw sa pananahi ng wedding gown ni

Dana. Gusto kasi niyang siya mismo ang mag-asikaso niyon, pati na ang suit ni Jethro. Napabuntong-

hininga siya. Masokista nga siguro siya dahil gustong-gusto niyang nasasaktan ang sarili. Pero ang

lalaking mahal niya ang magsusuot ng suit, kaya dapat ay mapaganda niya iyon nang husto.

Nang bumaba si Throne at senyasan siyang bumaba rin ay walang nagawang sumunod si Cassandra.

"Aalis ka na naman?" Nakakunot ang noong salubong ng kapatid. "Aba, daig mo pa ang bed spacer,

ah? Ginawa mo na lang na tulugan ang bahay. We live in the same house but we rarely see each

other, Cassandra."

Nag-aalalang muling napasulyap sa suot na relo si Cassandra. "Let's just talk later, Kuya Throne.

Kailangan ko na talagang puntahan si Jet." Binuksan niya na ang pinto ng kotse. "Nasasayang kasi

ang araw-"

Parang nanggigigil na hinawakan siya ng kapatid sa mga balikat. "God, Cassandra. Tumigil ka na nga!

He's not worth it. If he was, he could have waited for you! Pero hindi. Ikakasal na siya-"

"Oo, alam ko." Nag-iwas ng tingin si Cassandra. "Araw-araw, simula nang bumalik ako, wala kayong

ginawa kundi ang ipaalala sa akin ang bagay na 'yan. Kaya paano ko ba makakalimutan?" Malungkot

siyang napangiti. "Besides, hinintay niya ako nang dalawang taon. Ang tagal niyang nahirapan nang

dahil sa akin. Samantalang ako, isang buwan lang ang meron ako para magpakagaga, para mahirapan

din. Walang-wala pa 'yon sa naranasan niya."

Nang hindi nakarinig ng sagot ay humarap na siya sa kapatid. Lumambot na ang ekspresyon ng

mukha nito. "Pero hindi ka niya hinintay nang husto, sweetheart. Dalawang taon lang at tumigil na siya-

"

"Okay lang 'yon," Nagkibit-balikat siya at pinilit pasiglahin ang boses. "Siguro, kailangan niya talagang

tumigil para ako naman ang maghintay sa kanya."

"Damn it! At paano ka naman? You've waited for years!"

Hindi na kumibo si Cassandra. Inalis niya na ang mga kamay ni Throne na nakahawak sa kanya at

tangkang papasok na lang sana sa kotse nang yakapin siya nito. "I'm sorry if I upset you." Masuyo

nang wika nito. "Happy birthday, sweetheart."

"Oh, God." Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ng kapatid. Nakaligtaan niya na. Bukod kasi sa abala

siya sa pagbibilang ng mga araw kung hanggang kailan niya na lang makakasama si Jethro ay hindi

niya na nagawang mag-celebrate ng birthday niya sa ibang bansa. She had been so busy these past

few years to even notice. Pero bakit pakiramdam niya ay... mas pagod siya ngayon?

"Chris told me that she'll make a way to make her brother come here. It's against her will but she had

to. Para hindi ka na muna umalis." Humigpit ang pagkakayakap ni Throne sa kanya. "Magpahinga ka

naman, utang-na-loob. It's your day."

"I THOUGHT you're sick?" gulat na sinabi ni Jethro nang makitang ang kapatid niya mismo ang

bumungad sa kanya sa front door pagkarating niya sa bahay nito at ni Throne. Mabilis niyang kinapa

ang noo at leeg ni Christmas. Nang maramdamang normal naman ang temperatura ng kapatid ay

nagdududang tinitigan niya ito. "May sakit ka ba talaga, Chris?"

"Meron, kuya. Sa katunayan, kagagaling ko lang sa pagsusuka nang dumating ka." Masiglang ngumiti

si Christmas pagkatapos ay hinila na siya papasok. "Pero nang makita na kita, parang magic na

nawala ang sama ng pakiramdam ko." Naglalambing na humilig ito sa kanyang balikat. "Mabuti na lang

talaga at pumunta ka. 'Wag ka na munang umuwi. It's Cassey's birthday today."

Natigilan si Jethro. Kahit kailan ay hindi niya naman nalimutan. Sa katunayan ay nakatago pa sa

kwarto niya ang mga naipong regalo para kay Cassandra noong unang dalawang taon na

nagkahiwalay sila. Kasama na rin doon ang mga regalo para sa anniversary sana nila, at tuwing pasko,

bagong taon at Valentine's Day. Mapait siyang napangiti bago inilibot ang paningin sa kabuuan ng

bahay. "Bakit parang walang bisita?"

"Cassey forgot her birthday. Hindi niya tuloy napaghandaan. I wonder what's been keeping her busy

these days to forget such an important occasion." Amused na tumawa si Christmas. "Mabuti na lang

pala at nakapamili na kami ni Throne. Her brother really wanted to treat us all somewhere. Pero

nagbago ang isip niya nang makita si Cassandra this morning. Cassey looked sick."

Biglang inatake ng konsensya niya si Jethro dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Cassandra noong

nagdaang gabi. Napahugot siya ng malalim na hininga. "Kumusta na siya?"

"I'm fine. Makita lang kita, lumalakas na ako."

Parang may tumusok sa kanyang puso nang makita si Cassandra. Kahit pa matamis na nakangiti sa

kanya ay mababakas pa rin ang pagod sa magandang mukha nito. Nangangalumata rin ang dalaga at

namumutla ang mga pisngi. Ni wala rin ang pamilyar na kislap sa mga mata nito. At bakit parang

bumagsak ang katawan nito? Malayong-malayo sa nakita niyang anyo nito noong bagong dating sa

bansa.

Siya ba ang dahilan ng lahat ng iyon? Marahas niyang naipilig ang ulo. Imposible!

"Pwede bang gamitin kong excuse ang araw na 'to para makiusap sa 'yong maging mabuti-buti ka

naman sa akin?" Mahinang wika ni Cassandra. "Kahit ngayon lang... 'wag mo naman sana akong

sungitan."

Jethro could have said no and just turned his back like he always did. Tutal ay mukhang wala naman

pala talagang sakit ang kapatid niya. Pero nang makita niya ang unti-unting paglungkot ng mga mata ni

Cassandra ay naalarma siya.

Nagkibit-balikat siya. "I'll think about it."

"TRUTH or dare?" Nangingislap ang mga matang tanong ni Cassandra kay Jethro naang dito tumapat

ang boteng ipinaikot niya. Sobra-sobra ang pasasalamat niya nang matapos ang tanghalian ay nanatili

pa ang binata sa bahay ng kapatid.

Kahit na simpleng pagbati lang ang natanggap niya mula kay Jethro bago niya hipan ang mga kandila

sa cake na si Christmas mismo ang nag-bake, ay malaking bagay na iyon para sa kanya. Dahil sa

kauna-unahang pagkakataon, matapos ang ilang taon, ay nakasama rin niya si Jethro sa pag-celebrate

ng birthday niyang sandali rin niyang nakaligtaan.

Ikinatuwa rin ni Cassandra nang husto nang pumayag pa ang binata na makipaglaro sa kanila ng Truth

or Dare na si Christmas mismo ang nag-suggest. Dahil ibig sabihin ay makakasama pa nila ito. She

was happier when it was her turn to ask him.

"Dare," sa wakas ay sagot ng binata.

Ngumiti si Cassandra. "Sige, inuutusan kita. Mahalin mo 'ko ulit." Natahimik ang mga kasama. "Kahit

ngayong araw lang... o kung ayaw mo pa rin, kahit ilang minuto lang. Tutal, birthday ko naman."

"Cassandra..."

Nang marinig ni Cassandra ang pananaway sa boses ng kapatid niya ay natawa siya. "Joke lang.

Pwede bang 'truth' na lang?" baling niya kay Jethro. "Wala kasi akong ibang maisip na ipagawa sa

'yo... maliban sa ang mahalin ako."

"Fine," parang napipilitan na lang na wika ni Jethro. "I'll go for truth."

"Okay." Muling ngumiti si Cassandra. "Since hindi mo naman ako kinakausap nang matino kahit ano'ng

gawin ko, might as well take this... golden opportunity." Malakas at kinakabahang napatikhim siya. "If

there's one thing that you want to tell me, what will it be?"

Tinitigan siya ni Jethro nang deretso sa mga mata. "Bakit bumalik ka pa?"

Napasinghap si Christmas. "Kuya!"

Nagkibit-balikat ang binata. "I'm sorry, ayoko na palang makipaglaro." Tumayo na ito. "I'll just go

upstairs and check my nephew before I leave."

Ilang sandaling awing ang bibig na nakatitig lang si Cassandra sa pag-akyat ni Jethro sa hagdan. Agad

namang lumapit sa kanya si Throne. "Cass-"

Noon lang siya nakabawi sa pagkabigla. Mabilis siyang lumayo sa kapatid nang makita ang pagdaan

ng awa sa mga mata nito. "I'm okay."

Pinilit ni Cassandra ang ngumiti bago sinundan si Jethro. Naabutan niya ang binata sa kwarto ni Troy,

ang magwa-walong taong gulang na nag-iisang pamangkin nila. Pinagmamasdan nito ang natutulog na

bata.

"Pa-charge naman." Hindi na napigilan ni Cassandra ang sarili at niyakap si Jethro mula sa likod nito.

"Don't move, please. Kahit ilang segundo lang," pabulong na sinabi niya nang tangkang tatanggalin

nito ang mga braso niya. "Manghihingi lang ako ng lakas. Low batt na low batt na kasi ako."

"Thank you," nangingilid ang mga luhang dagdag niya nang hindi na muli pang pumiksi si Jethro.

Idinikit niya ang mukha sa likod nito. "Bakit gano'n? Naririnig ko ang boses mo pero nami-miss pa rin

kita. Yakap-yakap kita, pero nami-miss pa rin kita. I get to kiss you but I still miss you. Come to think of

it..." mariin niyang ipinikit ang mga mata para mapigilan ang nagbabantang pagluha, "siguro, ang puso

mo talaga ang nami-miss ko. Ang pusong noon, mahal na mahal pa ako."

Ilang sandaling kinalma na muna ni Cassandra ang nagwawalang puso bago unti-unting kumalas sa

pagkakayakap kay Jethro. Sa mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay adobe na sa kapal ang

kanyang mukha. Pero wala siyang magawa dahil iyon na lang ang pinanghahawakan niya. Dahil kung

pride din lang ang iisipin niya, wala na, durog na iyon, kasama ng kumpiyansa niya sa sarili na

pinaghirapan niyang buuin sa nakalipas na mga taon.

Nakalabas na si Cassandra ng kwarto ng pamangkin nang magulat siya sa biglang paghawak ni Jethro

sa kanyang braso. "Dana told me that perhaps, you just wanted a closure. Since birthday mo naman

fine, pagbibigyan kita," mariin na wika ng binata, pagkatapos ay marahas siyang hinalikan sa mga labi.

Nasasaktan siya, walang duda. Dahil ibang-iba ang halik iyon sa puno ng pagmamahal na mga halik ni

Jethro noon. Ipipikit pa lang niya ang mga mata nang bitiwan siya nito.

Nagsisikip ang dibdib na pinigilan ni Cassandra sa braso ang binata nang tangkang tatalikuran na siya

nito. "Kung bibigyan mo rin lang ako ng closure, might as well make it more memorable." Sa

pagkakataong iyon ay siya naman ang humalik. Ipinaikot niya ang mga braso sa batok nito. Nang ipikit

ni Jethro ang mga mata ay nanatili siyang mulat at nakatitig lang dito. Hinayaan niya nang pumatak

ang mga luha niya.

"Just how many times do I have to pretend you're Dana every time you kiss me para lang hindi ka

mapahiya, Cassandra?"

Parang binuhusan si Cassandra ng nagyeyelong tubig sa naalala, dahilan para bumitaw siya kay

Jethro. "So that was why you closed your eyes?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Because you're

pretending I'm the one you love?" napailing siya mayamaya. "N-no, don't answer that." Nagtatakbong

lumabas siya ng bahay at sumakay sa kotse ng kapatid niya. Nagmamadaling pinaharurot niya iyon

palayo.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.